Sunday, October 16, 2011


Fuck yeah. Foreverlate! 
Hahahahahaha.
Kailanagan ko na atang matulog, it's already 12:30am. 
Late nanaman ako bukas, hindi nanaman ako makakapasok ng first subject, tangina. 
Hello there, hell week. Please, be goooooooood.

Goodnight.
Goodvibes this week please.

Sobra. Sobrang daming nagbago sakin, like nung nakilala ko ung tumblr. Nakalimutan ko na ung mga tao sa paligid ko, nakalimutan ko na ung mga priorities ko sa buhay. 
Ibang iba, nakakmiss lang ung buhay ko no'n. Ung tahimik lang, kung pwede lang ibalik eh. 
:(

Flower. I want. 
Gusto ko kapag nagkaboyfriend ako lagi niya kong bibigyan ng rose.
Isa lang gusto ko kasi parang ako ung number ONE. :">

Saturday, October 15, 2011

Convo with Baby.

Baby: Magkwento ka naman.
Me: Hm. Mahal kita.
Baby: Mas mahal kita.

~

Minsan lang ako magsalita or magsabi ng mahal kita sa isang tao. Ang sarap sa pakiramdam na mahal ka din ng taong mahal mo.

Makulay ang buhay.
Masarap mabuhay.
Wag mong sayangin.


Don't expect para hindi ka madisappoint. 
Expectation is the root of all heartaches.

Friday, October 14, 2011


Guy bestfriend, the best.

Because I love you.

Goodnight. Thank you Lord. I love you. 
This. :|

Omg.
I miss this. B1 and B2. 
Naalala ko pa nung gumigising ako sa umaga para lang maabutan ko 'to. Ang corny, yes, pero ang saya lang panuorin nito. Ang cute nila, gusto ko din ng kambal. :(

Actually hindi ko na mabilang ung mga napatay ko sa isip ko. Haha! Ang bad ko ba? Oh well, ganun ako lalo na kapag ayoko sa tao/

Naiinis ako sa mga bitch. Wtf. Yung nagmamalinis pa na hindi daw, tangina. Lahat na ng lalaki nilandi niya. Sino niloko niyang bitch siya. Fuck you whore, bitch, slut. 

Yng lalaking mapropromise sayo na papasiyahin ka niya.
Yung lalaking hindi ka iiwan.
Yung lalaking mamahalin ka na kahit sino ka man.
Yung lalaking tanggap ka kahit may pangit pa sayo.
Yung lalaking mamahalin ka hanggang sa habambuhay.

May mga oras na gusto natin ihinto ung oras. Yung tipong gusto mo na don sa nangyayari, sana wala nang katapusan ng kasiyahan na nararamdaman. Sana pwede, sana pwede ihinto ung oras, or pabilisin naman kung ayaw mo sa mga nangayayari. 

Sana may kaibigan akong ganito. Yung palaging nandyan sa tuwing kailangan ko siya, ung yayakapin na lang ako kapg tumulo ung luha ko. 
Yung kaibigang tanggap ako na kahit gano pa kasama ng ugali ko. Sana din ung taong mamahalin ako at hindi ako iiwan.
Omg. Malapit na ung finals. Wtf. Nakakatamad. Nakakatamad magaral. Er. :( Lord, sana po makapasa lahat ng exams, please po. 

Ung lalaking ipagmamalaki na ikaw ung mahal niya, ung hindi siya nahihiya na kasama ka. Ung everytime na magkasama kayo ang sweet sweet niya. Gusto ko ng boyfriend na maipagmamalaki ako. Gusto ko proud siya sakin. Samin, na kaming dalawa, nagmamahalan.

Ang sarap kumain, kapag may problema ikain mo na lang yan. 

Tuesday, October 11, 2011

Monday, October 10, 2011


Ang lungkot ko lang ngayon gabi, naiiyak ako. Tanginang mga kaibigan. What happened? Ewan ko. Iwan niyo na kong lahat. Punyeta. :| 

Gusto ko tumakbo, mula sa lugar na 'to.

Sana may ganito akong chalk. Gusto ko neto.
Gusto ko umalis sa lugar na 'to. Nalulungkot ako, gusto ko mamuhay ng tahimik, ung walang pinoproblema. Gusto ko takbuhan ung mga problema ata mamuhay mag-isa.
Ayoko sa lugar na 'to. Ayoko. 

Just keep your head above.


Maging ikaw ka. 'Wag mong hayaan na idown ka ng ibang tao sa paligid mo. Kaya mo yan sa sarili mo. Think positive sa lahat ng bagay. 
Gawin mo lahat ng gusto mo, wag mo ibase mga disisyon mo sa ibang tao. Maging totoo ka sa sarili mo, para magtagumpay ka. 


Everything is gonna be alright.


Sa lahat ng problema yan lang parati kong iniisip. Magiging okay din lahat, lahat ng problema may solusyon, lahat ng mga nangyayari may rason. 
Magiging okay din lahat. Wag mong madaliin ung mga bagay bagay, magiging maayos din lahat.


Barkada


Ang sarap sa pakiramdam kapag kasama mo ung mga kabarkada mo. Ung tipong wala kang pinoproblema. Ung tipong wala kang pakielam sa mundo basta alam mo masaya ka, ung tipong gusto mo na ihinto ung oras kapag kasama't kausap sila. 

Sobrang saya. Walang makakatalo kapag kasama mo sila. Sana sa iisang bahay na lang kami. Haha. 

Ice cream. Ice cream


Nalulungkot ako. Kailangan ko ng comfort food. Pengeng ice cream. Ung strawberry flavor. 
Medyo matagal na din nung last na ice cream ko, 3days ago? 
Hayy. Ang lungkot kasi ngayong araw, ang badvibes lahat ng nangyari. Nakakatamad mabuhay. Chos.

Ang bilis ng oras, tumatakbo, nasasayang.


Eto ako, nakahiga, walang ginagawa, pinapakinggan ang pag tik-tok ng orasan.
Ang productive lang ng araw mo kapag buong araw kang nakaharap sa laptop mo (sarcasm). 

Tumatakbo ang oras, ba't hindi mo itry lumabas ng bahay, makihalubilo sa ibang tao, magliwaliw, maglakadlakad. 

'Wag mo ikulong ang sarili mo sa bahay, lumabas ka, gawin mong productive ung araw mo, nang sa gayon, hindi nasasayang ung bawat araw mo dito sa mundo.

Madalas abot kamay na natin ang isang bagay, tapos biglang mawawala.


Kaya kung sa tingin mo nandyan na sa harap mo, igrab mo na. Iyan na ung oppurtunity mo na makuha ang isang bagay tapos papakawalan mo pa. Hindi sa lahat  ng tao dumadating yan.
Huwag mong hayaan na ikaw ung magsisi sa huli.

Vector By: Baby Tobi


Hinding hindi ko makakalimutan ung first na gumawa sakin neto. Mahal ko na ata ung taong gumawa nito sakin. Haha. Pero seryoso. Nagulat ako nung bigla niyang pinost 'to. 
Well, ganito kasi ung story, nagvector siya ng picture niya then nagcomment ako "Wow. Ang galing. Gawan mo din ako. Chos! Haha". I never thought na gagawin niya pala yo'n, na seseryosohin niya yo'n. Tas nung nagkausap nga kami sa phone, nakwento niya na nung nagcomment ako, instart niya na kong gawin. Omg. Kiligvibes. :">

Miss na miss ko na ung taong yan. Eh ba't kasi ang layo layo niya. Nakakainis. Gusto ko siyang makiss, tas hug na. :(

Magkikita din tayo Baby Tobi. Soon. :)

Sunday, October 9, 2011

I miss you.

Ang dami kong namimiss. Anong nangyayari? Parang unti-unti na nila kong iniiwan. Shit. Ung mga taong bigla-bigla ka na lang iiwan sa ere, pagkatapos ng lahat ng pinagsamahan. Ung wala kang maisip na dahilan kung bakit ka nila nilalayuan. Tangina lang ung mga taong yo'n. 


Naiinis ako. Nagagalit ako. Ayoko na sakanila.

Ang lamig

Hindi ko alam pero sobrang nilalamig ako pagkagising ko. Sobra. Feeling ko nilalagnat ako. Wag naman sana. Ang weird ng mga panaginip ko this last few days. Haynako.
Gusto ko sana gumala ngayon pero sobrang hindi ako makabangon sa kama ko. So as usual, hindi kami natuloy ni Ruds nanaman. Ang sabaw ko. Ewan ko kung anong ilalagaw dito. So yan na lang. 

Saturday, October 8, 2011

Madaling mafall, madali rin mag-move on.

Ganito ako, madaling mafall, madali rin mag-moved on. Ayoko kasing nalulungkot. Kuwari one day, iiiyak ko lang, dun ko ibubuhos lahat, then after, wala na, maluwag na sa pakiramdam.


Ayokong nalulungkot ako. Life is short. So ienjoy natin ung mga araw-araw natin dito. Hindi natin alam. Bukas, makalawa, nakaburol ka na. Well, hindi natin masasabi, only God knows. 


Masarap mabuhay. May mga panahong masasaktan, madadapa ka pero hindi ka dapat pumayag na madapa, tumayo ka, tulungan mo sarili mo, kaya mo lahat. Magtiwala ka lang sa sarili mo, sa kakayanan mo. 

May mga tao talagang hindi mo inaasahang darating pala sa buhay mo.

Bigla biglang darating sa buhay mo. 'Yun pala, siya na ung taong hinihintay mo. Hindi mo alam, bukas, makalawa. Makikilala mo na siya. Hindi natin alam, maraming taong dumadating sa buhay natin at dadating pa. Ung iba dadaan lang sa buhay mo, ung iba naman sasamahan ka hanggang sa pagtanda mo. Ung iba din magtuturo lang ng lesson sayo tapos aalis rin. 


People come and go. People change.


That's life. Umaalis ang tao pero paniguradong may kapalit to na mas better sa taong 'yun. People change because iniisip nila ung kapakanan mo or some shit reasons. Pero hinding hindi magbabago ung tao or hinding hindi aalis ang tao nang walang dahilan, palaging meron. So kailangan lang natin intindihin. May mga sarisarili tayong rason kung bakit natin 'to lahat ginagawa. 

Blogspot VS Tumblr

Sa unang araw ko dito masasabi kong mas gusto ko 'to kesa sa tumblr, though may meron sa tumblr na wala dito mas gusto ko parin dito.


Blogspot


  • Walang nakikielam
  • Sarisarili
  • Walang haters
  • Walang mga plastic na tao
Tumblr


  • Puro plastic
  • Punong puno ng mga haters
  • Pakielamera't pakielamero
  • SHITSHITSHITS
Blogspot ftw. Dadating siguro ung araw na iiwan ko na ung tumblr at lilipat dito. :)

THURSDAYKADA ♥


The original Thurdaykada members.
Rudstin, Me,  Jasfher and mylabs, Kin.

I dunno what to say. Nawala na si Kin. Pakiramdam ko kaming tatlo na lang nila Ruds at Jas. Haynako. Ba't kasi kailangan mangyari nung lahat. Sayang lahat ng pinagsamahan, nawala lahat.
Oh well, masaya parin ako, sobrang napasaya niyo ko. Kung alam niyo lang ung happiness ko sa tuwing uuwi akong bahay galing sa gala natin. Ung feeling na gusto ko ihinto ung oras at makipagkwentuhan na lang sainyo.
Hindi lang kayo kaibigan, kapatid, bestfriend, yaya, pamilya. Seryoso. Mahal na mahal ko kayo. Alam kong maaayos pa tayo. Walang imposible. Mababalik din ung dati. I love you forever, and hindi ko kayo iiwan whatever happens. 

Childhood


May mga times na gusto mong balikan ung pagkabata, ung nakaraan. Ung  pakiramdam na wala kang pinoproblema, puro laro lang inaatupag mo, kain tulog lang. Nakakamiss ang pagiging bata.
Sana pwedeng ibalik ung panahon at itigil ung oras sa panahon na yon. Ang komplikado na kasi ngayong medyo tumatanda ka na eh, ang daming problema, nakakatamad magaral, nakakatamad lahat, walang pahinga. 
Gusto ko bumalik sa nakaraan. Pero alam kong hindi naman na mangyayari kailanman, hanggang pangarap na lang. 

I wanna grow old with you.


I wanna grow old with you.
Kelan ko kaya matatagpuan ung taong makakasama ko sa habang buhay. Oo, bata pa ko. I'm just wondering kung asan siya, sino kasama niya, anong buhay niya? 
Gusto ko pag tumanda tayo sweet parin tayo sa isa't isa. Ung tipong every aniversary sobrang bongga. Gusto ko marami tayong babies para madaming magaalaga satin and masaya. Omg. I can't wait. Gusto ko na maramdaman ung walang pinoproblema, ung magkasama lang kayo ng taong mahal mo. 
Hayy. Asan ka kaya 'no? Hinahanap mo kaya 'ko? Or naiisip man lang. Haha. Grabe ang imaginations ko. Tama na. :)

Friday, October 7, 2011

First ever doodle.


Pinaka-unang nagdoodle sakin, si Jas. Jas, bestestfriend daw kami. Haha. Ang galing lang, effort din 'to. So feel ko lang ilagay dito sa blog ko. :)

Dream Date Stargazing


Isa sa mga dream date ko is stargazing. Syempre kasama ung taong mahal ko. Ung tipong nakahiga kayo sa damuhan, tapos magkahawak kayo ng kamay at sabay na nagwiwish. Tahimik ung paligid. Nakatingala sa langit. Binibilang ang bituin. Kasama ang mahal. Ang sweet. Gagawin ko 'to. Someday, kasama syempre ung lalaking mamahalin ko. 

Mga tao sa paligid.

Huwag na huwag kang magtitiwala sa mga taong hindi mo pa kilala. Piliin mo ung mga pagkakatiwalaan mo. Piliin mo ung mga taong kakaibiganin mo. Sa panahon ngayon marami nang mga plastics sa mundo. Ung ibang kaibigan mo, kunwari concern, kunwari nagcacare, pero nakikichismis lang. Well, thats life. Kaya dapat magaling kang makipag-halubilo sa tao.